Kinumpirma ng Commission on Elections na mayroon ng mahigit 600,000 deactivated voters ang nakapag reactivate na ng kanilang registration.

Ayon kay COMELEC commissioner Rowena Guanzon, dahil sa nasabing reactivated voters, nalampasan na ang target ng COMELEC na makapagtala ng apat na milyong bilang na inaasahang mga bagong botante para sa halalan 2022.