Sa darating na July 30, alas-onse ng umaga, malalaman na kung alin sa mahigit 172 film entries ang pasok sa Top 15 ng kauna-unahang Manila Broadcasting Company Short Film Festival.
Mapapanuod ang Big Reveal sa MSFF official Facebook page at sa ibat-ibang digital platforms ng DZRH, Love Radio Manila, Yes the Best, at Easy Rock FM stations.
Ang mga host sa naturang event ay ang first-ever Aliwan Fiesta Digital Queen Janarie Zarzoso at 1st runner-up Jasmine Omay.
