Suspendido na muna at balik sa 14 day quarantine period ang mga "fully vaccinated" na na ex-pose sa probable at confirmed CoVid19 cases.

Base sa memo ng Department of Health, mula sa seven-day quarantine period ibinabalik muna nila sa 14 days ang kailangan para sa quarantine period para sa mga na-expose sa CoVid19 positive, pati na rin ang mga uuwi sa ating bansa.

Parte ito ng pro-active measures ng pamahalaan para mapigilan ang patuloy na pagtaas ng mga nagpo-positibo sa CoVid19